Saturday, August 18, 2012

Halfgod's first try



Paumanhin sa magbabasa at susubaybay sa aking mga ilalathala... Ako po ay bago lamang sa larangan ng pagblog, at ito po ang una kong likha...

Nais ko lamang sanang gamitin ang lugar na ito upang magsilbing taguan ng aking mga naiisip. Hindi para magkalat ng negatibong enerhiya o maglabas ng galit sa pangaraw araw kong buhay. Sa ganitong paraan maiingatan ko at maaalala ang anu mang bagay na aking naiisip at di mabaon sa limot ang aking mga ideya.

Bakit nga ba ako nagsimulang mag-blog? Ni hindi ko nga alam kung ano sa tagalog ang salitang ito..
Maski ang format o istilo ng pag-gawa nito. Ngunit akin naman ito, so wala naman kayong magagawa diba?

Well, Naisip ko kasi pag tumanda ako makakalimutan ko na marami pala akong naranasan at nagawa nung kabataan ko. Marami rin naman akong hindi pa nagagawa hanggang sa ngayun, na nais ko rin naman maranasan. Malamang sa mga susunod na araw ay maikukwento ko rin ang maga yun.

Hindi naman ako yung tipo ng tao na walang kumakausap o walang mapagsabihan ng mga ideas ko o upinyon sa mga bagay bagay, ngunit malimit akong magsalita o magkwento ng saloobin ko. Kaya't naisipan kong gumawa ng account sa google kahit na napakarami ko nang emal accounts at passwords na kailangan tandaan.

Anyway, siguro tama lang na magpakilala muna ako sa inyo....

Ako nga pala si Joel isang trainer sa isang BPO company dito sa Manila. Hindi ko na nagamit ang pinili kong kurso at ginugulan ng limang taon sa kolehiyo. Tama limang taon. Pero hindi naman ako yung tipong limang taon sa 1st year.

Oo nga pala I decided to stay at 27 years old kaya pag nagtanung sila sakin 27 lagi kong sinasagot.

Simple lang ang buhay ko kasama ang aking maybahay at ang aming nagiisang anak na si Sophia. Pareho kami ng kompanyang pinapasukan ng wife ko, pero never kami nagkasabay ng oras sa trabaho.

Mahilig akong magluto, kumain, maglaro (ng kahit ano basta may nakalagay na GAME ayus sakin yun), gumuhit, magbasa, manood ng movies, at kung anu-ano pa mawala lang ang umay ko sa trabaho (pero hindi ako sawa sa trabaho since I love teaching and training).

Sa ngayun ay off ko kaya may oras akong makapag kwento (matapos ko sanang maglinis at maglaba bago umuwi si misis).

At eto nga naumpisahan ko rin ang matagal ko nang pinaplanung gawin.. Di ko kasi gagawin to pag-nandito si kumander at nahihiya pa ako... anyway, ibabahagi ko rin sa inyo ang mga karanasan ko at mga saloobin sa mga susunod na araw...

Pero ngayun may kalaban pa kasi kami ng Avengers sa facebook at niyayaya na ako ni Hulk at baka pagalitan daw kami ni Nick paghindi pa namin pinulbos si Loki at ang mga alagad ng kasamaan...

So paalam muna at sa susunod medyo may katuturan na ang ikukwento ko sa inyo...